Makabagong Salita o Napapanong salita
Sa ating panahon maraming samo't saring mga salita ang nagsisilabasan ngayon sa ating bansa di lang sa ating bansa ,kumakalat din ito ngayon sa Social Media.
Ito ay isang uri nang salita na kung saan binabago nito ang pagbigkas pero parehas nang ibig sabihin sa totoong salita nito halimbawa na lamang nito ay "Lodi" "Petmalu" na ang ibig sabihin ay "Idol" at "Malupet" isinasaad nito na sobrang galing o nakakahanga. Hindi lamang dyan natatapos ang mga makabagong salita meron ding "Pak" "Ganern" "Werpa" at marami pang iba.
Umusbong na rin ang makabagong salita simula dekada sesenta at nubenta ang mga halimbawa nalang neto ay ang:
"Jeproks" na ang ibig sabihin ay mga taong mahilig sa kasiyahan
"Japorms" ito ay tumutukoy sa kung paano manamit
"Endo,End of Contruct" gamit na gamit ito sa mga trabahador na ang ibig sabihin ay tapos na ang kontata.
Nagsimulang umusbong ang mkabagong salita sa salitang "Selfie" na base kay Virgilio Almario ay (Tune of translation)
Ayon din sa kanya ay natural daw ang pagusbong nang iba't ibang salita.
Maari rin na nagmula ang ang mga salitang ito sa tinatawag na (Existing Words)
Kinalaunan ay nagkaroon nang beki words, jejemon, G words, S words, at iba pa
Naging isa narin itong ekspresyon nang mga pilipino, ipinapakita nila ang mga ekspresyon na ito sa paggamit nang social media.
Walang polisiya na ipinagbabawal ang paggamit nito.
Ipinapakita din nito na ang paggamit nang makabahong salita ay paglaban sa diskriminasyon.
Sa paggamit nang makapabagong salita ay kailangan maging malikhain sa paggamit nito.
Ginagamit din ito sa pangkatatawanan at pangsosyalan.
Madalas na gumagamit nito ay mga kabataan na tinatawag sa kanilang henerasyon ngayon ay (Millenials)
Tinawag di ang makabagong salita bilang "Mayabong na Wikang Pilipino" na kung saan isinaad ni Virgilio Almario na isang National Artist for Literature "Bahagi ang mga salitang ito ng tinatawag na kolokyalismo. At ang mga salitang kolokyal, natural na daloy o direksiyon ng lahat ng wika sa buong mundo".
Paraan ito ng pagpapakita ng pagkaroon ng isang naiibang pangkat sa loob ng lipunan. Gumagawa sila ng sarili nilang lingo o sarili nilang paraan ng pag-uusap na sila lamang ang nagkakaintindihan. Lahat ng pangkat, may ganyang damdamin, nagkakaroon ng ganyang saloobin, lalo na yung pangkat na nama-marginalize o sa palagay nila ay hindi sila masyadong napapansin,” pagpapaliwanag ni Almario.
Bagaman nagkaroon nang mkabagong salita o napapanahong salita ay kailangan parin magingat sa paggamit nito.
Dahil maaring maging mitsha ito nang buhay natin sa ibang tao.
Maging mapagobserba sa mga sasabihin natin at gamitin ang mga salitang ito sa tamang wasto.
Bagaman nagkaroon nang mkabagong salita o napapanahong salita ay kailangan parin magingat sa paggamit nito.
Dahil maaring maging mitsha ito nang buhay natin sa ibang tao.
Maging mapagobserba sa mga sasabihin natin at gamitin ang mga salitang ito sa tamang wasto.
At kung ano ano man ang mga salitang iyon ay patunay lamang na ang salita natin ay buhay at daynamika sa paglipas nang panahon at pinapatunayan lamang nito na ang ating salita ay nagbabago. Mapa Impormal ba yan o Pormal, mapa beki words at iba pa ang mahalaga ay nagagamit natin ang mga salitang ito sa araw araw at sa tamang pakikipagkomunikasyon.
Comments
Post a Comment